Love Notes

Sautéing with oil and butter
Madalas mababasa nyo na naggigisa ako gamit ang butter with cooking oil. Pag naggigisa ako, tipong sa 1 tbsp butter, 1/2 tbsp oil, pero ina-eyeball ko lang. Napansin ko kasi na ang bilis mag-brown ng butter kapag walang halong mantika. Simula nun naglalagay ako ng konting mantika.
Kapag nasunog kasi ang butter sa gisa, ang off ng flavor. Parang may sunog pero di ko kita. With the help of cooking oil, pag katapos ko maggisa, nagiging more on browned butter lang with deep flavor.
At ayun nga, may smoke point ang iba’t ibang uri ng oil. Di hamak na mas mataas ang sa cooking oil kesa sa butter. At may milk compounds yung butter na mabilis masunog eh. Google nyo.


Sauté Onion before garlic
Ang bilis kaya masunog ng garlic. Dahil siguro di sila matubig compared to onion.
Most likely din kasi mas pino ang magiging tadtad sa bawang kesa sa sibuyas pag naggigisa
Not scientific pero here are some observations with my 14 years (as of 2020) of cooking sa bahay:

  • Garlic and onion almost at the same time – Kapos sa luto ang sibuyas. Minsan tapos ka na magluto, may crunchy bits pa ng sibuyas
  • Browned garlic then add the onion – Huwag. Before pa medyo maluto ang sibuyas, pasunog na ang bawang
  • Translucent onion then garlic – Perfect for me. Sabay magiging brown and deep flavor.
  • Browned onion then galic – Eh. Hilaw ang garlic dito.

Cold butter with garlic in the pan
Eto yung tipong nilalagay ko na yung butter na buo pa at bawang nang sabay sa malamig na kawali. Saka ko pa lang bubuhayin yung apoy at igigisa.
Kapag ganito, gusto kong malasahan talaga yung bawang. Pansin ko kasi mas nae-extract yung flavors ng bawang into the oil and butter.


Fond
Got this from Binging with Babish.
Eto yung maiiwang brown stuff na dumikit sa ilalim ng pan. Tipong caramelized bits pag nagsangkutya. Kaya importante na sakto lang ang apoy para di masunog yun.
Additional flavor yun sa sauce or sabaw kapag ini-scrape mo from the bottom of the pan once you add the liquids.
Natutunaw naman yun kaya sa simula palang ini-scrape ko na agad. Masusunog yun pag tumagal sa ilalim.


Dark tomato paste
Kapag naghalo ka ng tomato paste sa isang putahe, minsan sinasabi nila na ang asim, minsan pa nga ay mapakla daw.
Daming sinasabi ng ilan na baka raw nasobrahan ka ng lagay o dinasalan na ng mga duwende na naririhanan sa loob ng ref mo.
That is when I tried heating up the tomato paste. Tipong iginigilid ko muna yung ibang ingredients sa kawali tapos nilalagay ko yung tomato paste sa gitna. Stir-stir lang until mag darken yung color at mangamoy luto na.
You’ll have a darker, toasty, and more concentrated flavor plus umami.


Beef cubes
Eh kasi minsan di kumakatas yung lasa ng karne eh. Nakikita ko sa mga previous SortedFood videos na cubes din gamit nila instead of actual stock in a box (parang juice o fresh milk)
Kaya ayun, naglalagay ako ng cubes, kahit kalahati or wamport lang. Additional meaty flavor lang talaga.


Salt & pepper
Legit ko di binibigay measurements nito. Basta budburan mo lang. Kapag napa-alat, dagdagan mo ang kanin mo.
Narinig ko dati na it is better to over season your food until magreklamo sila kesa magreklamo na under-seasoned. Siguro sa resto set-up applicable to.
But still, I think na pwede naman ihabol ang asin at paminta sa mesa.


By the way,

Published by Aldrin

Isa akong Technology Consultant

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: