Surebol way para di maging biko ang sinangag mo, kahit anong lata pa ng kanin na gagamitin mo. Mas masarap kainin sa hapunan kaysa almusal. Get creative! Ihalo mo yung tirang karne sa ref! Adobo Rice? Binagoongan Rice? Dinuguan Rice? Tinola Rice? Sky is the limit!
Category Archives: Freestyle
Ampalaya con Carne
Na-weirdohan sa akin ang mga classmates ko dahil sobrang enjoy ako kumain ng ampalaya. Puro pait lang naman daw kasi pag kumakain sila.
Naalala ko nung pinatikim ko sila netong baon ko. Mapait pa rin daw, pero masarap, pero mapait nga. Alak at yosi nga ini-intake nyo, bat ampalaya di nyo kaya?
No-oven Thin Crust Localized Pizza
Part of my monthly work-out routine.
Di ko sure kung matatawag pa ba tong pizza pero may sauce, cheese, and dough naman (see Mark Iacono) so I guess it fits. “Healthier” alternative sa mamantikang pizza ng Yellow Cab, Pizza Hut, etc.
Beef Kaldereta
Ayoko sana i-post to dahil isa ito sa mga pinakaiingatan naming recipe. Di ko na lang nilagay ang measurements kasi secret nga.
Sauce pa lang, ulam na. Isang small bowl nito, kaya magpataob ng isang Kyowa rice cooker ng kanin with maximum capacity of 5 cups.
Shrimp in Butter and Oyster Sauce
Solid handaan food. Matagal kainin dahil kailangan pang balatan, kailangan pang kamayin kaya nakakahiya kunin. BTW, pwede rin to sa alimasag. Bale eto ang paborito ng makakapal ang mukha sa handaan. But worry no more! Maluluto mo na to sa bahay! Pwede mo nang kainin in the comfort of your home, without poise!
Balamban-Style Porchetta
“Lechon belly” kung tawagin ng ilan. Dahil sobrang tagal gawin, tuwing pasko o new year ko lang niluluto to. Goods din para tambay ka lang sa kusina at di mo makasalamuha yung mga tito o tita mong tatanungin ka kung bat ka tumaba o bat wala ka pang asawa.
Brit Pancake
Cross-breed between pancake and crepe. Kung ayaw mo sa crepe dahil puro cream lang naman at kung ayaw mo sa pancake dahil isa kang mahinang nilalang, di mo rin magusutuhan to. Swabe with dark, strong coffee. Yung tipong galing Sagada o Benguet, di yung galing Starbucks.
Cumin Gound Beef
Served like shawarma pero hindi. Mangangamoy ooh-la-la ang uit nyo pag niluto nyo to. Wag lulutuin sa condo kung walang rangehood. Huwag din agad bubuksan ang pinto at bintana dahil nakakahiya. Mag-ready ng Glade o Ambi Pur. Pero oks lang, masarap naman.
Cauliflower Fried “Rice”
Sawa ka na ba sa carbs? Naisip mo na ba, na sana kumakain ka ng kanin, pero hindi kanin? Another feeling healthy recipe. Eto ang “fried rice” na pwedeng iulam sa kanin. Gone are the days of left-over sinangag na kanin at mainit na sinaing sa tanghali.
Chicken Wings
Sawa ka na ba kumain ng chicken wings sa labas at kumain with poise? Sawa ka na ba magpadeliver ng wings na malabsa ang balat? Sawa ka na ba umorder sa labas at di makapagpag-inom dahil baka magwala ka?