Na-weirdohan sa akin ang mga classmates ko dahil sobrang enjoy ako kumain ng ampalaya. Puro pait lang naman daw kasi pag kumakain sila.
Naalala ko nung pinatikim ko sila netong baon ko. Mapait pa rin daw, pero masarap, pero mapait nga. Alak at yosi nga ini-intake nyo, bat ampalaya di nyo kaya?
Category Archives: Ulam
Hindi Ginisang Munggo with Tinapa
Kasi hindi nga naman talaga ginisa. Perfect ulam kung gutom, late kang nagising, at ayaw mo ng pansit canton.
One pot recipe lang to! Wala kang hihiwain kung di ka maglalagay ng ampalaya. Bale sandok, kaldero, kutsara, at bowl lang ang hugasin mo.
Beef Kaldereta
Ayoko sana i-post to dahil isa ito sa mga pinakaiingatan naming recipe. Di ko na lang nilagay ang measurements kasi secret nga.
Sauce pa lang, ulam na. Isang small bowl nito, kaya magpataob ng isang Kyowa rice cooker ng kanin with maximum capacity of 5 cups.
Shrimp in Butter and Oyster Sauce
Solid handaan food. Matagal kainin dahil kailangan pang balatan, kailangan pang kamayin kaya nakakahiya kunin. BTW, pwede rin to sa alimasag. Bale eto ang paborito ng makakapal ang mukha sa handaan. But worry no more! Maluluto mo na to sa bahay! Pwede mo nang kainin in the comfort of your home, without poise!
Mongolian Beef
Isang putaheng naimbento sa kaharian ng Mongolia noong 800 B.C. Ang orihinal na sangkap nito ay karne ng triceratops, kaya noo’y tinatawag itong “Mongolian Triceratops”
Salted-egg Shrimp
YES! YEEEEEEEEES! YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEES!
Balamban-Style Porchetta
“Lechon belly” kung tawagin ng ilan. Dahil sobrang tagal gawin, tuwing pasko o new year ko lang niluluto to. Goods din para tambay ka lang sa kusina at di mo makasalamuha yung mga tito o tita mong tatanungin ka kung bat ka tumaba o bat wala ka pang asawa.
Gyoza and Hand-made Wrapper
Gumagawa ako nito at least once a month for personal consumption. One part of my exercise regimen, together with pizza dough. Reason kung bakit lumalaki ang right arm ko aside sa intense stir-frying.
Cumin Gound Beef
Served like shawarma pero hindi. Mangangamoy ooh-la-la ang uit nyo pag niluto nyo to. Wag lulutuin sa condo kung walang rangehood. Huwag din agad bubuksan ang pinto at bintana dahil nakakahiya. Mag-ready ng Glade o Ambi Pur. Pero oks lang, masarap naman.
Beef with Mushrooms
Miss mo na ba isabaw ang gravy? Umay ka na ba sa fried chicken at burger steak? Minsan ba’y naisip mo nang sana beef ang kinakain mo at hindi mamantikang kung ano? Gusto mo bang mag-feeling sosyal with your dinner with some few easy steps pero matagal na pagpapakulo ng karne?